kalokohan lang ito (pre school)

Mga kwentong chalk ko… ^_^

Nursery - wala na akew gaano maalala d2 noon. basta ang alam ku nag-aral din naman aku ng mabuti. nakikipag unahan pa nga akew mag recite para magkaroon ng star sa kamay o para masabihan ngteacher ng very good. hehehe… naaalala ku pa noon, air-con ung rom tpos sa bandang likod may mga yaya na nakatambay. Eh kc meron akung mga classmate na sa tantiya ku ay mas bata pa saken ng 2 taon. D ku nga ba alam kun may natututunan mga un samantalang ala naman sila ginwa kundi matulog at dumede.

Kinder- ang alam ku marunong na akew magbasa d2 tsaka magsulat. Naalala ku pa kc noon ung tym na may nakita akung libro na mayroong magandang picture ng fairy tpos pinabasa ku sa kuya ko kaso nung binasa niya ala aku maintindihan. Ang ganda kc ng picture tpos ung nakasulat pla puro mga salitang d ku pa alam.. Ndi talga akew naniwala noon na ganun lang ang sinabi nung libro kaya un, nagkaroon ako ng determinasyon para matutong magbasa. Tpos nung natuto aku, binasa ku ung libro.

Lintek… ala rin. d ku parin magets. Poem pla kc un, xempre d ku maappreciate kc inaasahan ku kwento xa tungkol sa fairy.

Prep - eto ung taym na marami rami na rin akung naalala.. paborito aku ng teacher d2 eh. ewan ku ba, teacher’s pet talga aku nung taym na ito. lagi aku tinutulungan tpos kinukulet. sabi nya pa ganda daw mata ku, haba pilik mata (lol) Siguro buntis xa nung taym na un, tpos pinaglilihian nya ako. Lam ku pa nga name nya hanggang ngaun eh. Ma’am Bagasbas. o dba? Astig? lam ku parin.

Pero ang masaklap d2 aku unang napagalitan ng teacher.. at sa kanya pa.

Ganito kc un, nagkaroon kami ng exam. tungkol sa alphabet, kumpletuhin ang mga blangko. Ayos, memorize ko na ito. no sweat. aga aku natapos. Edi relax relax nalang ako. tinignan ku katabi ku. Ayun, pawis na, tpos nakapikit habang iuulit ulit ang maling pagkakasunod sunod ng alphabet. Kinalabit nya ako, tapos nagtanong "tpos ka na?" sabi ko (proud) "Oo! tapos ko na, ang dali nga eh" sabi nya "Ang hirap kase"

eto na ang malupet… sabi ku sa kanya "Gusto mo aku na gagawa nyan?"

(nding ndi ku malilimutan yang sinabi kung yan)

Edi xempre pumayag siya na gawin ku exam niya. edi aku enjoy na sumasagot tpos bigla aku kinalabit ni ma’am.

"D ka pa tapos?" tanong niya sa akin, "Tapos na ma’am" sabi ku sabay kuha sa paper ko at pinakita sa kanya. "eh Kanino yang gingwa mo?" sabi nya. "ma’am, sa kanya po" sabi ku sabay turo sa katabi.

Amfness.. kinuha paper ku tsaka ung paper ng katabi ku sabay punit sa paper tpos crumple.

Dun ku unang nalman ang mining ng cheating!

xempre umiyak aku. hello? alam ku ba naman na mali un? gulantang talaga aku. parang katapusan na ng mundo. sabi ku sa sarili ko, bat ganon? pinakita ku lang naman kagalingan ko (lol)

tpos maya-mya, lumapit si ma’am sa aken, binigyan aku panibagong paper, tpusin ku raw ulit. Tumahan na ako. xempre ginawa ku, parang kidlat sa bilis.

NDI NYA AKU NATIIS hehehehe..

pero d nga, d ku talga malilimutan un.

Well, bronze lang naman aku nung grumadweyt ng pre-school. ^_^

Leave a Reply